Home HOME BANNER STORY Pharmally scandal itinuturing ng Ombudsman na high-profile backlog

Pharmally scandal itinuturing ng Ombudsman na high-profile backlog

276
0

MANILA, Philippines – Itinuturing ni Ombudsman Crispin Remulla ang Pharmally scandal na pinaka-high-profile backlog ng kanyang opisina.

Kasama sa nahaharap sa mga akusasyon ng katiwalian kaugnay ng umano’y sobrang presyo ng mga medical supplies na ibinigay ng Pharmally Pharmaceutical Corp. si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga aides sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Sinabi ni Remulla na malaki ito dahil hindi tumigil ang impunity pagkatapos noon.

Aniya, ang Pharmally ay isang simbolo ng impunity na ang mga tao ay hindi natatakot na mahuli.

Nahakot ng Pharmally ang P8.68 bilyong kontrata sa Department of Budget and Management sa kabila ng pagkakaroon ng paid-up capital na P625,000 lamang noong 2019.

Nanindigan ang administrasyong Duterte na ang mga deal ay aboveboard.

Noong nakaraang linggo, iniutos ni Remulla ang pagbawi ng mga Pharmally-related cases na hindi pa sumasailalim sa arraignment mula sa Sandiganbayan para sa muling pagtatasa.

Sinabi niya na nais niyang muling suriin ang mga kaso upang matiyak na handa na ang mga ito para s apaglilitis sa sandaling muling ihain sa anti-graft court. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here