MANILA, Philippines – Lahat ng dokumento na nauugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa katiwalian sa flood control ay ‘secured’ sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Office sa Maynila, sinabi ni Highways secretary Vince Dizon.
Ayon kay Dizon, ang insidente ng sunog sa gusali ng DPWH-Bureau of Research Standards sa Quezon City ay hindi makakapekto sa imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects.
Sa pagbanggit sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection muling iginiit ni Dizon na walang mga dokumentong may kinalaman sa flood control mess ang naapektuhan ng insidente ng sunog.
Pero duda pa rin si Dizon sa timing ng insidente ng sunog habang hindi niya inaalis ang posibilidad hanggat hindi pa tapos ang BFP sa imbestigasyon.
Nilinaw din ni Dizon na hindi pagsabog ng computer mula sa loob ng materials Testing Division ang dahilan ng sunog kundi sa electrical failure. Jocelyn Tabangcura-Domenden