Home METRO Gusali ng DPWH Bulacan na may ‘ghost’ projects bantay-sarado ng mga bumbero

Gusali ng DPWH Bulacan na may ‘ghost’ projects bantay-sarado ng mga bumbero

317
0

Lungsod ng Malolos, Bulacan – Inatasan ni Mayor Christian Natividad ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod na ito na kung maari ay bantayan mabuti ang tanggapan ng Department of Public Works and Higways (DPWH) 1st District na may ‘haka-hakang’ posibleng masunog.

Sa isang panayam sinabi ni Natividad, hindi maaalis sa publiko na mag-isip na may cover-up o pagsusunog ng mga ebidensiya sa nangyaring sunog sa bahagi ng gusali ng DPWH sa Brgy. Pinayahan, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga, Oktubre 22.

Dahil dito, umaga ng Huwebes ay inisyatibang tinawagan at inatasan niya ang pamunuan ng BFP na magsagawa ng fire safety inspections sa tanggapan ng DPWH na nakatayo sa naturang lungsod.

Bukod sa gusali ng DPWH ay inatasan na rin niya ang BFP na inspeksyunin din ang iba pang government buildings sa kanyang nasasakupan para makaiwas sa sunog at tiyaking ligtas ang mga ito.

Kabilang sa iinspeksyunin ng mga awtoridad ang mga computer o mga electronics at iba pa sa mga government buildings partikular sa DWPH.

Aniya, magpapaiwan siya ng truck ng bumbero sa paligid ng DPWH upang usok palang ay maagapan at maapula sakaling aksidenteng masunog ito.

Binanggit din niya na ang paraang ito ay para maibsan ang hinala ng publiko na may mangyaring cover up sa mga importanteng dokumento na napakaimportante sa korte sa 1st district DPWH na may maraming naitalang maanomalya at “multong proyekto sa baha”.

Sinasabing ang pamahalaang lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Natividad ang isa sa kauna-unahang LGU na nagpadala noong Oktubre 10 sa Independent Commision for Infrastructure (ICI) nang sarili nilang imbestigasyon patungkol sa maanomalyang flood control project. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here