Home ENTERTAINMENT Ate Vi, may paglilinaw sa isyung magre-resign si Sec. Ralph!

Ate Vi, may paglilinaw sa isyung magre-resign si Sec. Ralph!

260
0

Manila, Philippines – Walang katotohanan ang balitang magbibitiw sa puwesto si Finance Secretary Ralph Recto.

Ito ay ayon mismo  sa opisyal na pahayag ng Malakanyang sa pamamagitan ni Atty. Claire Casto, ang tagapagsalita ng PBBM.

Ayon pa sa kanya ay walang katotohanan ang mga kumakalat na isyung ito na pinapalaganap ng ilang grupong galit sa pagpapatupad ng mga buwis.

Sa totoo lang naman, mas nakakalungkot na ang mga nagpapakalat ng ganitong isyu ay kadalasang tahimik pagdating sa mga senador at kongresistang nasasangkot sa mga kontrobersyal na proyekto gaya ng Flood Control projects na malinaw na may korapsyon.

Ano ba ang pinupunto nitong mga nagmamagaling ?

Tanong ng marami: Bakit kailangang mag-resign ang asawa ng Star for all Seasons na si Vilma Santos-Recto?

Si Ate Vi na mismo ang nagsabi na walang isyu ang kanyang asawa at hindi ito magre-resign.

May kaso ba siya ng korapsyon? May rekord ba ng katiwalian o pang-aabuso sa kapangyarihan? O galit lang talaga ang ilan sa kasalukuyang Sec. Of Finance dahil sa mga buwis na ipinapatupad nito?

O sadyang gusto lang  ng mga nag-iingay na i-divert ang usapan mula sa ma-anomalyang flood control projects?

Sana maipa-alala sa mga ito at maunawaan nila na ang buwis ay hindi kaaway ng taumbayan, bagkus ito ang haligi ng ekonomiya—ito ang pinanggagalingan ng pondo para sa mga serbisyong panlipunan, edukasyon, kalusugan, at iba pang programa ng gobyerno. Kung walang buwis, walang maipapatupad na proyekto at walang tulong na maibibigay sa mamamayan.

Huwag na nating ilihis ang isyu, dapat nating ituon ang galit sa mga tunay na magnanakaw at tiwaling opisyal. Hindi sa mga taong nagsisikap ipatupad ang batas at ayusin ang pananalapi ng bansa.

Ang ugat ng problema ay hindi ang pagbubuwis, kundi ang maling sistema ng politika—ang paulit-ulit na pagboto sa mga opisyal na alam nating sangkot sa katiwalian.

Kung alam nating tiwali, bakit pa natin ibinabalik sa puwesto? Pagkatapos ay magrereklamo tayo kapag nahihirapan ang ekonomiya o kapos ang serbisyo ng gobyerno.

Panahon na para itama ang pananaw.

Ayusin ang moralidad. Baguhin ang sistema.

Hindi dapat parusahan ang tapat, dapat papanagutin ang tiwali.

Let us all remember what former President PNOY said: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” And as former Vice President Leni Robredo reminded us, “Sa gobyernong tapat, angat buhay ang lahat.”

It’s clearly not the tax, but the system that elects corrupt leaders that remains our greatest problem. Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here