MANILA, Philippines – Kuwalipikado ang mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang maka-avail ng murang housing na iniaalok ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr kasunod ng inilunsad na kauna-unahang housing expo na sponsored ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo, sa ilalim ng Expanded 4PH o Pambansang Pabahay para sa Pilipino ay saklaw na din ang beneficiaries at graduate ng 4Ps.
Aniya pa rin, kahit ang mga Overseas Filipino Workers ay maaari na ding mag-avail ng socialized housing sa ilalim ng Expanded 4PH. (KRIS JOSE)