Home ENTERTAINMENT Carlos at Karl, pinagkumpara!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Carlos at Karl, pinagkumpara!October 24, 2025 10:022630 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – No two siblings are alike.Ito ang dapat ma-realize ng marami sa atin sa pilit nating pagkukumpara sa mga magkakapatid.Nanggaling man sila sa iisang sinapupunan, they will grow up with different traits.Ikinukumpara kasi ang magkapatid na Carlos at Karl Eldrew Yulo.Alam ng lahat na iisa ang sport na kanilang linya–gymnastics.Pareho rin silang mga kampeon–si Carlos nga lang ay two-time Olympic gold medalist.The comparison between the two brothers came after Karl Eldrew gifted their parents Mark and Angelica a brandnew car for their birthdays.Siyempre, touched na touched si Angelica who even posted her words of gratitude.At tulad nga ng inaasahan, netizens were quick to compare the brothers.Kesyo mabuti pa raw si Karl at nakaalala sa kanyang mga magulang, samantalangnakikipagtikisan pa rin hanggang ngayon si Carlos sa mga ito.Tanong tuloy ng mga netizens– gawin bang batayan ang pagbibigay ng sasakyan para masabing isang mabuting anak si Karl kesa sa kuya niya?Nasa materyal na bagay daw ba ang sukatan ng pagiging anak?Sobra kasing barag na barag si Carlos as if ni katiting ay hindi niya nabigyan ng ngiti sa kanilang mga labi ang mga magulang niya.Saka hindi ba maaaring walang comparison–as this might even create a gap between the brothers?Hindi naman pinagdedebatehan dito ang pagiging mabuting anak ni Karl, so why stir the pot? Ronnie Carrasco III