Home NATIONWIDE 2 pang kadete ng PNPA naghain ng reklamong sexual abuse vs 2...

2 pang kadete ng PNPA naghain ng reklamong sexual abuse vs 2 police officer

291
0

MANILA, Philippines – Dalawa pang kadete ang naghain ng reklamong sexual abuse at harassment laban sa tactical officer ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Nauna nang na-detain ang 35-anyos na police major, kasal, matapos na maghain ng reklamo ang 23-anyos na lalaking kadete ng acts of lasciviousness.

Ayon kay PNPA Director Brigadier General Andre Dizon, dinala ng tactical officer sa kanyang quarter ang dalawa pang kadete na nasa edad 20.

Ang isa sa dalawang kadete ay nahaharap sa dismissal dahil sa honor violations at ang isa naman ay nasa “turn back” status dahil sa academic problems.

“Ang modus operandi ng suspect is ino-offeran niya ng tulong ‘yong may mga kaso na kadete. So, doon niya nakukuha ang loob until such time na nagagawa niya ‘yong pangaabuso,” ani Dizon.

Nangyari ang insidente noong Hulyo.

Sa kanilang reklamo sa National Police Commission (Napolcom), sinabi ng mga kadete na inutusan silang maghubad para sa umano’y “body check” at “board test” kung saan dito na isinagawa ng opisyal ang pang-aabusong sekswal at harassment.

Naghain na ang Napolcom ng reklamong administratibo laban sa suspek.

Sinabi ng Silang Municipal Police Station, na nakasasakop sa akademya, na ang suspek ay nakapagpiyansa at nakalaya.

“Ongoing po ‘yong trial niya before the Municipal Circuit Trial Court of Silang and Amadeo and na kay judge na po ‘yong kaso niyan. And to date, we have filed three cases of acts of lasciviousness against the suspect,” pahayag ni Silang police chief Lt. Col. Louie Gonzaga.

Inihahanda na ang hiwalay at mas matinding kaso ng rape, isang criminal offense na may parusang reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakulong, laban sa police officer.

Tinawag naman ni Dizon na ang mga insidenteng ito ay isolated at hindi kukunsintihin ng akademya ang mga ganitong gawain.

“Ito po ay isa lang ang suspect. Kumbaga, ngayon lang ito nangyari sa academy so maituturing natin na isolated case ito dahil iisa lang naman ang suspect, hindi naman iba-iba,” aniya.

“Masasabi nating ligtas [ang PNPA] kasi nandiyan po ang mga tactical officers, nandiyan ang mga professors. We are looking after the welfare of our students,” dagdag pa ni Dizon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here