Home METRO PCG nakaalerto sa Undas 2025

PCG nakaalerto sa Undas 2025

297
0

MANILA, Philippines – Mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4, ang Philippine Coast Guard (PCG) ay nasa heightened alert status bilang paghahanda sa Undas 2025.

Sa isang press briefing, sinabi ni PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab na ang lahat ng Coast Guard districts, stations, at sub-stations ay inatasan na paigtingin ang monitoring at assistance operations sa mga daungan at waterways.

“This includes putting on alert and deployment of floating assets, air assets and land mobility to assista local government units,” Cayabyab said.

Noong nakaraang taon, nakapagtala ang PCG ng higit dalawang milyong incoming at outgoing na mga pasahero sa Philippine ports.

Inaasahan ng PCG na dodoble ngayong taon ang bilang ng mga pasahero kaya’t mas tataasan anila ang layering ng seguridad sa mga daungan at mas tutuunan ng pansin ang pagpapabuti ng pamamahala sa kaligtasan ng mga pasahero.

Sinabi naman ni Cayabyab na ang mga lifeguard at rescue team ay nakatalaga sa mga tourist destination para tumugon sa mga emerhensiya sa panahon ng holiday. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here