Home METRO PTFoMS, NAPOLCOM nagkasundo sa pagbuo ng ligtas na kapaligiran para sa mga...

PTFoMS, NAPOLCOM nagkasundo sa pagbuo ng ligtas na kapaligiran para sa mga mamamahayag sa bansa

304
0

MANILA, Philippines – Pormal na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) nitong Biyernes (Oktubre 24) ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at National Police Commission (NAPOLCOM) ng isang mahalagang hakbang para sa pagbuo ng ligtas na kapaligiran ng mga mamamahayag sa buong bansa.

Ayon kay Jose Torres, Jr., Executive Director ng PTFoMS, ang isa sa pinakamahalagang inisyatibo sa paglagda ng MOA ay ang pagsasagawa ng epektibong case referral at sistema ng imbestigasyon na idinisenyo para sa mabilis na pagresponde at pagsasagawa ng aksyon sa naganap na insidente na kinabibilangan ng mga miyembro ng media.

Kasabay nito ay sinabi rin ni Torres na magsasagawa din ang dalawang ahensya ng joint monitoring mechanism upang masiguro ang patuloy at real-time na sharing ng impormasyon na makatutulong sa mabilis na pagresolba ng kaso.

Sinabi ni Torres na nakasaad din sa naturang MOA na binibigyan ng prayoridad ang proteksyon ng mga mamamahayag sa pamamagitan ng isang mekanismo na agarang referrals para protective custody at psychosocial support kung saan mapagkakalooban kaagad ng tulong ang mga biktimang media workerws na may banta sa buhay.

Ang kasunduan ay tumatalakay din sa importansya ng policy reform, kabilang na dito ang bawat grupo ng media workers sa pagsasagawa ng mga desisyon at pagpapatibay ng mga guidelines para sa mas mainam na pamamaraan sa proteksyon ng bawat mamamahayag.

“This agreement is more than just a document; it is a shared vow to protect the rights of media workers, uphold press freedom, and promote transparency and accountability in our society,” ani Torres.

“Together, we aim to ensure every media practitioner can perform their duties safely, freely, and without fear or obstruction,” dagdag pa ni Torres.

Bukod kay Torres ay lumagda rin sa naturang kasunduan sina NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer (VCEO)/ Commissioner Rafael Vicente Calinisan, NAPOLCOM Acting Deputy Executive Director Atty. Arlene Castro-Co, PCOL. Froilan Navarroza ng PNP-PIO, at National Press Club of the Philippines (NPC) President Leonel Abasola. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here