Home ENTERTAINMENT 1 kilong bukol sa leeg ni Ate Gay, nag-flat na!

1 kilong bukol sa leeg ni Ate Gay, nag-flat na!

350
0

Manila, Philippines – Miracles do happen.

Ito ang pinanghahawakan ni Gil Morales o Ate Gay sa tunay na buhay.

Isa ngang buhay na patotoo ang nangyaring himala sa standup comedian na na-diagnose na may Stage 4 cancer nitong September.

Tinaningan na rin kasi siya ng doktor na sumuri sa kanya–hindi na raw siya aabutan ng 2026.

Hindi na rin daw kasi siya maaaring operahan.

Ngunit sa tulong ng radiation treatment sa Asian General and Medical Center, ang dating isang

kilong bukol sa kanyang leeg ay flat na o umimpis na.

Matatandaang ang programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang nag-feature sa maselang kalagayan ni Ate Gay–dahilan para bumaha ng tulong mula sa ilang taong may mabubuting puso.

Kabilang na dito ang sumagot sa libreng radiation teatment at chemotherapy ni Ate Gay.

May nagpatira pa sa kanya nang libre sa condo unit upang hindi siya mahirapan sa biyahe sa ospital.

Hanggang bago ang kanyang gamutan, mahigpit ang paniniwala ni Ate Gay na–“May himala!”

As we always say sa bawat pagsubok na nalalampasan nating lahat–God is good all the time! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here