Home ENTERTAINMENT Yassi, inahas si Julia?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Yassi, inahas si Julia?October 25, 2025 18:033020 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Wala ni katiting na pretensyon.Ito ang gustong patunayan ni Julia Montes sa buong mundo.Her world may be in showbiz pero pagdating daw sa kanyang tunay na ugali, she’s far from it‘Ika nga, madali lang makilatis ang totoong Julia–pag bet ka niya, she’ll even go out of her way to talk to you.Pero pag hindi, ni tingin ay hindi ka niya tatapunan.Nagkaideya kasi ang mga netizens kung sino ang ginawang “blind item” ni Julia, referring to a batchmate who was hitting on Coco Martin.Ito ang rebelasyon niya sa panayam ni DJ Chacha.Ikinuwento kasi ni Julia ang pagkikita nila ng ‘di pinangalanang batchmate.Binati raw siya nito ng: “Hi po!”Sa halip na i-acknowledge, nagdayalog daw si Julia ng: “Magka-batch lang tayo…maka-‘po’ ka naman!”Pero sa loob-loob daw niya: “Sorry, girl!”Hudyat na ‘yon para magsaliksik ang mga netizens, trying to figure out kung sinong batchmate ‘yon.And presto!Natuklasan ng mga ito na si Yassi Pressman ‘yon na dating naugnay na rin daw kay Coco.True? Ronnie Carrasco III