Home ENTERTAINMENT Apo ni Quezon, minura si Jericho!

Apo ni Quezon, minura si Jericho!

324
0

Manila, Philippines – Nakaharap mismo ng bida ng pelikulang Quezon na si Jericho Rosales ang apo ng nasabing bayani.

Maging ang direktor ng pelikulang si Jerrold Tarrog ay nakaharap din ni Ricky Quezon Avanceña.

Dismayado ang apong Quezon sa kinalabasan ng pelikulang halaw sa buhay ng kanyang lolo.

Kinumpronta daw ni Ricky si Tarrog at tinanong kung satire ba ang obra nito, at sinagot naman daw ng “oo.”

Pero pagdating daw kay Echo ay binlock o hinarang ang pagtatanong niya.

Katwiran daw ng aktor, marami pa raw ang nais magtanong ukol sa pelikula.

Sa inis, pinagmumura ni Ricky ang mga bumubuo ng pelikula, even addressing Jericho as “fucking.”

“Mga k**pal silang lahat. Mga pu**ina nila, binaboy nila ang lolo ko!” nanggagalaiting sabi ni Ricky ukol sa ginawang pambabastos ng producer nito–ang TBA Studios–sa alaala ng kanyang lolo.

Kagyat namang nag-release ng statement ang producer, na nagsasabing dumaan sa masusing pananaliksik ang Quezon.

Gayunpaman, iginiit ni Ricky na panoorin pa rin daw ang Quezon para aniya, “Kumita ang mga pu**ta!”

Nilinaw din ni Ricky na hindi bayani ang kanyang lolo, pero “most incorruptible” daw ito noong nanunungkulan ito. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here