Home NATIONWIDE 75K food packs inihanda sa pagsabog ng Kanlaon

75K food packs inihanda sa pagsabog ng Kanlaon

266
0

MANILA, Philippines – May kabuuang 75,000 family food packs (FFPs) ang available sa Negros Island Region (NIR) Field Office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaaring i-tap para sa relief operations sa gitna ng pinakabagong minor explosive eruption ng Mt. Kanlaon nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 24.

“Mayroon tayong mahigit 75,000 na family food packs na naka-preposition diyan sa Negros Island Region. Our field office coordinated with the local government units (LGUs) kung kinakailangan ng tulong ng DSWD. Inalam din natin kung ano ang sitwasyon,” sabi ni Asst. Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group (DRMG) nitong Sabado.

Sa ulat kay DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Sabado, sinabi ni DSWD-NIR Regional Director Arwin Razo na wala pang naitatalang internally displaced persons (IDPs) sa mga apektadong lokalidad sa pagtataas ng Alert Level 2 na babala sa Kanlaon Volcano.

“No IDPs were reported/evacuated in potentially affected LGUs such as La Castellana, Canlaon City, Murcia, La Carlota City, and Bago City,” sabi ni Director Razo sa kanyang ulat sa sitwasyon kay Secretary Gatchalian.

Ang DSWD Quick Response Teams (QRTs) ay patuloy na nagmomonitor at nakikipag-ugnayan sa mga LGU para sa technical assistance at posibleng resource augmentation, iniulat pa ng NIR regional director sa DSWD chief.

Kaugnay nito bukod sa mga naka-preposition na food packs, naka-standby din ang iba pang logistics ng NIR Field Office tulad ng mobile kitchen, mobile command center, at water filtration truck at handang i-deploy anumang oras habang lumalala ang sitwasyon.

Patuloy na nakaalerto at nakahanda ang DSWD’s NIR Field Office na magbigay ng mabilis na pagtugon sa mga Negrense alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na walang magugutom na pamilya sa oras ng kalamidad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here