Home NATIONWIDE Tinayong ‘nature reserve’ sa Scarborough, kinondena ni PBBM

Tinayong ‘nature reserve’ sa Scarborough, kinondena ni PBBM

249
0

MANILA, Philippines – Kinondena ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng tinaguriang “nature reserve” sa Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc), na ayon sa kanya ay lumalabag sa tradisyonal na karapatan sa pangingisda ng mga Pilipino.

Sa kanyang pahayag sa ASEAN-US Summit, binatikos ni Marcos ang hakbang na pumipigil sa mga Pilipinong mangingisda sa pangingisda sa teritoryong dagat ng bansa sa ilalim ng paratang ng nature reserve.

“The attempt of some actors to establish the so-called ‘nature reserve’ status over Bajo de Masinloc… clearly violates not only Philippine sovereignty, but also the traditional fishing rights of our people guaranteed by international law, including the 1982 UNCLOS, and affirmed by the final and binding 2016 Award on the South China Sea Arbitration.”

Ipinahayag din niya ang panghihinayang sa patuloy na insidente sa West Philippine Sea na naglalagay sa panganib ng buhay ng mga tauhan ng Pilipinas at mga barko, kabilang ang mapanganib na manobra at panghihimasok sa lehitimong gawain.

Binigyang-diin ni Marcos na nananatiling matatag ang Pilipinas sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at sa pagtutulak ng Code of Conduct na alinsunod sa international law.

Noong nakaraang buwan, inaprubahan ng China ang pagtatayo ng 3,500-hektaryang national nature reserve sa Scarborough Shoal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here