Home NATIONWIDE PWD ID na walang expiration, ipinasasabatas

PWD ID na walang expiration, ipinasasabatas

331
0

MANILA, Philippines – Isinumite ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill No. 1405 na naglalayong gawing panghabambuhay ang bisa ng identification cards ng Persons with Disability (PWD).

Layunin ng panukala na amyendahan ang Republic Act No. 7277 o Magna Carta for Persons with Disability upang matiyak na libre ang issuance ng PWD ID at mananatiling valid habang buhay ng may-ari.

Ani Tulfo, “Kapag nag-expire ang kanilang ID, kailangan nilang pumila muli… kailangan nilang magbayad para sa pamasahe… sa kabila ng kanilang kapansanan. Para itong pagdaragdag ng insulto sa pinsala!” Binigyang-diin niya na mahalaga ang PWD ID para ma-access ang mga benepisyo ng batas, kabilang ang 20% discount sa mga produkto at serbisyo at pantay na oportunidad sa trabaho at edukasyon.

Dagdag ni Tulfo, makakatulong ang panukalang batas na bawasan ang pasanin ng mga PWD at maging hakbang tungo sa pagpapahalaga sa kanilang karapatan at pagpapadali ng serbisyong pampubliko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here