Home NATIONWIDE Maliliit na bata, mga hayop ‘wag nang dalhin sa sementeryo – MPD

Maliliit na bata, mga hayop ‘wag nang dalhin sa sementeryo – MPD

294
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Manila Police District (MPD) sa mga magulang at may alagang hayop na huwag dalhin ang maliliit na bata at alaga sa mga sementeryo dahil sa inaasahang dami ng tao sa Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa.

“Wag dalhin ang inyong mga alaga dahil baka ma-stress sila sa loob ng sementeryo… at kung maaari, huwag na rin dalhin ang mga bata,” ani MPD spokesperson Police Major Philipp Ines.

Para sa mga magulang na hindi maiiwan ang kanilang mga anak sa bahay, maaaring magparehistro sa police desk sa mga entrada ng sementeryo upang makakuha ng name tag para madaling maibalik kung mawala ang bata.

Inaasahan ng MPD na tataas ang bilang ng bumibisita sa Manila North Cemetery mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 1, batay sa 1.5 milyong dumalo noong nakaraang taon. Kasama sa mga seguridad ang mga pulis na naka-plain clothes at command posts sa entrada ng sementeryo upang tumulong sa mga bisita.

Umabot sa 37,000 ang dumalo sa Manila North at South Cemeteries isang linggo bago ang Undas ngayong taon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here