Home METRO 2 kelot timbog sa pagbebental ng ilegal na baril

2 kelot timbog sa pagbebental ng ilegal na baril

249
0

PASIG CITY — Naaresto ang dalawang lalaki dahil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na baril sa ilalim ng buy-bust operation sa Pasig City, ayon sa ulat ng mga awtoridad nitong Lunes.

Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR) ang isang SIG Sauer .45 caliber na baril na may bala at silencers, pati na rin ang isang 9mm pistol at bala mula sa isa sa mga suspek.

“Inaalok tayo ng baril, ito yung SIG Sauer na caliber .45 at P55,000. So nung chineck natin itong subject natin, at the same time yung baril is hindi siya registered sa firearms natin. Kaya nagkasa tayo ng buy bust [operation],” ani Police Colonel John Guiagui, hepe ng CIDG-NCR.

Narekober din ng mga awtoridad ang mga pekeng ID at calling cards na gawa para magmukhang galing sa Malacañang Palace, Interpol, at isang media company, at iniimbestigahan kung ginamit ito sa scam.

Haharapin ng mga suspek ang kaso sa ilegal na pagmamay-ari ng baril at usurpation of authority. Hinikayat ng CIDG ang mga posibleng biktima na mag-report sa mga awtoridad. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here