MANILA, Philippines – Walang pinalad na nanalo ng jackpot sa mga major lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Lunes, Oktubre 27.
Ang kombinasyon ng nanalong numero sa Grand Lotto 6/55 ay 14-39-42-35-25-30, na may jackpot na P31,171,824.40, ngunit walang tumama sa lahat ng numero.
Wala ring nakakuha ng jackpot sa Megalotto 6/45 na nagkakahalaga ng P28,325,304. Ang nanalong kombinasyon ay 17-09-40-21-04-03.
Isinasagawa ang Grand Lotto 6/55 tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado, habang ang Megalotto 6/45 ay tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. RNT