Home HOME BANNER STORY Quo warranto vs Sen. Erwin, inihain sa Senate Electoral Tribunal

Quo warranto vs Sen. Erwin, inihain sa Senate Electoral Tribunal

259
0

MANILA, Philippines – Isang quo warranto petition na kumukuwestiyon sa pagiging mamamayan ni Senator Erwin Tulfo ang nakabinbin sa Senate Electoral Tribunal (SET) mula pa noong Hulyo 15, 2025, ayon kay SET deputy secretary Eleanor Francisco-Anunciacion.

Ibinunyag ni Francisco-Anunciacion ang kaso sa pagdinig ng Senado hinggil sa panukalang 2026 budget ng tribunal. Sa kaniyang presentasyon, tinukoy na ang petisyon ay inihain ng disbarred lawyer na si Berteni Cataluna Causing dahil umano sa “ineligibility” ni Tulfo kaugnay ng isyu sa citizenship.

“The petition is currently pending before the Tribunal, with the Secretariat undertaking all appropriate preliminary actions,” ayon sa dokumentong ipinakita.

Sa ulat, sinabi ni Tulfo na alam niya ang naturang kaso at handa siyang harapin ito.

“Matatandaang kaparehong tao rin po, na isang disbarred lawyer, ang paulit-ulit na nag-file ng disqualification case laban sa akin… Sa kabila ng lahat ng ito, tuloy lang po tayo sa trabaho,” ani Tulfo.

Noong panahon ng kampanya, ilang beses nang nagsampa si Causing ng disqualification cases laban kay Tulfo, ngunit ibinasura ito ng Commission on Elections (Comelec) noong Marso dahil sa kakulangan ng mga rekisito at kawalan ng sapat na basehan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here