Home HOME BANNER STORY Amihan season, umarangkada na – PAGASA

Amihan season, umarangkada na – PAGASA

272
0

MANILA – Inaasahang magiging mas malamig ang panahon sa mga susunod na buwan matapos ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ang pagsisimula ng Northeast Monsoon o Amihan season.

Ayon sa PAGASA, mga senyales gaya ng pagtaas ng atmospheric pressure at paglamig ng paligid ang nagpapakita ng simula ng Amihan.

“Over the past few days, observations have indicated the strengthening of a high-pressure area over East Asia, which has caused a surge of northeasterly winds over Extreme Northern Luzon,” pahayag ng ahensya.

Nagbabala rin ang mga meteorologist na maaaring magdulot ng maalong karagatan sa hilagang bahagi ng Luzon ang sunod-sunod na bugso ng Amihan sa loob ng dalawang linggo.

Inaasahang magiging dominante ito sa karamihan ng bansa, magdadala ng malamig at tuyong hangin, at mga biglaang paglamig ng temperatura. Maaaring maranasan din ang mga shear line at masalimuot na lagay ng dagat habang tumatagal ang season.

Mas maaga ngayong buwan, inanunsyo ng PAGASA ang opisyal na pagtatapos ng Southwest Monsoon o Habagat season. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here