Home NATIONWIDE 4 klasrum sa paaralan sa Quezon nasunog

4 klasrum sa paaralan sa Quezon nasunog

297
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang pampublikong paaralan sa Mulanay, Quezon nitong Martes ng umaga, Oktubre 28.

Ayon sa Quezon police, apat na silid-aralan ang natupok sa sunog sa Bagupaye Elementary School sa Barangay Bagupaye.

Naapula ng mga bumbero ang sunog bandang 1:35 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente.

Tinatayang nasa P400,000 naman ang halaga ng pinsala at iniimbestigahan ang sanhi ng sunog. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here