Home SPORTS Argentinian boxer tulog kay Llover

Argentinian boxer tulog kay Llover

269
0

MANILA, Philippines – Muling pinasiklab ni Kenneth Llover ang bandila ng Pilipinas matapos talunin via knockout si Luciano Francisco Baldor ng Argentina sa ikaapat na round ng kanilang laban sa Bishkek Arena sa Kyrgyzstan.

Ang 22-anyos na tubong General Trias, Cavite ay nagpakita ng dominasyon mula umpisa hanggang tuluyang pabagsakin ang kalaban sa pamamagitan ng solidong kaliwang suntok na tumama sa ulo ni Baldor.

Tumigil ang laban sa 1:42 marka ng ikaapat na round matapos ideklarang knockout si Baldor ng referee na si Katsuhiko Nakamura, dahilan upang makuha ni Llover ang kanyang ika-11 panalo sa propesyonal na karera.

Ang tagumpay ni Llover ay nagsilbing pambawi para sa kabiguan ni dating world champion Johnriel Casimero na natalo via unanimous decision sa Japanese fighter na si Kyonosuke Kameda.

Sa edad na 36, nahirapan si Casimero sa mas batang kalaban at natalo sa 10-round non-title bout sa super-featherweight division. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here