Home OPINION DIZON, PINAG-IINITAN: AMBISYON O TUNAY NA REPORMA?

DIZON, PINAG-IINITAN: AMBISYON O TUNAY NA REPORMA?

294
0

TILA lumalalim ang tensyon sa pagitan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, matapos kumalat ang mga ulat na ang huli ay unti-unti nang lumalapit sa kampo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Minsang itinuring na ‘golden boy’ ni Duterte sa ilalim ng Build, Build, Build program, si Dizon ay ngayon umano’y nakikitang isa sa mga tahimik na gumagalaw para sa 2028 national elections — bagay na hindi ikinatuwa ng mga loyalista ni ‘Tatay Digong.’

Tinawag pa ni dating Presidential Communications undersecretary Lorraine Badoy na ‘balimbing’ si Dizon, matapos lumabas ang mga balitang isa siya sa mga nagpo-posisyon para sa mas mataas na pwesto sa gobyerno.

Ayon sa ilang opisyal sa DPWH, ang mga reporma raw na ipinatutupad ni Dizon ay may halong pulitika.

“Reporma sa harap, ambisyon sa likod,” ani ng isang insider na tumangging magpakilala.

Bagaman ilang beses nang itinanggi ni Dizon ang planong tumakbo, kapansin-pansin umano ang sunod-sunod niyang media appearances at pagdalo sa mga proyekto sa iba’t ibang rehiyon — mga kilos na tila paghahanda sa paparating na halalan.

Matatandaang naging kontrobersyal din si Dizon noong pinamunuan niya ang Bases Conversion and Development Authority, dahil sa mga isyung may kinalaman sa transparency at paggasta sa ilang proyekto, kabilang ang ₱50-milyong sports cauldron para sa 2019 Southeast Asia Games.

May mga ulat ding pinag-aaralan umano sa Malacañang ang posibilidad ng Grace Poe–Vince Dizon tandem bilang pambato laban sa posibleng Sara Duterte bloc sa 2028, hehehe.

Ayon pa kay Badoy: “Lalangawin si Dizon sa 2028. Hindi siya makakukuha ng boto sa Visayas at Mindanao dahil alam ng tao kung sino ang tinalikuran niya.”

Habang papalapit ang eleksyon, nananatiling tanong: reporma ba talaga ang hangarin ni Dizon — o rebranding para sa sariling ambisyon?

Let’s just wait and see madlang pipol!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here