Home NATIONWIDE ITCZ magpapaulan sa Palawan, Vis-Min

ITCZ magpapaulan sa Palawan, Vis-Min

322
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng PAGASA, ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang dahilan ng maulap na kalangitan, pag-ulan, at mga pagkidlat-pagkulog sa Palawan, Visayas, at Mindanao ngayong Miyerkules.

Sa ulat-panahon ng ahensya kaninang alas-4 ng umaga, sinabi rin nitong apektado ng amihan o northeast monsoon ang pinakatimog na bahagi ng Hilagang Luzon, habang wala pang namamatyagang low pressure area o LPA na posibleng maging bagyo.

Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Eastern at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Northern Mindanao, Caraga, Masbate, at Sorsogon dahil sa ITCZ. May mga pulupulong pag-ulan din sa Palawan at nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa Batanes at Babuyan Islands, maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang mararanasan dahil sa amihan, habang bahagyang maulap hanggang maulap naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa easterlies.

Katamtaman hanggang malakas na hangin at bahagyang hanggang katamtamang pag-alon ang inaasahan sa pinakahilagang Luzon, habang banayad hanggang katamtaman naman sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here