Home METRO Motor rider pisak sa 10-wheeler sa C5

Motor rider pisak sa 10-wheeler sa C5

314
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 35-taong-gulang na motorcycle rider matapos siyang magulungan ng 10-wheeler truck sa southbound C5 sa Taguig City nitong Lunes ng umaga.

Ipinakita sa CCTV na nahulog siya matapos mabangga ang isang AUV, saka na siya nabangga ng truck.

“Wala halos natira kasi yung helmet po niya, yung half po, warak po siya. Going to work na yata po yung patient,” ani Rebeth Bernardo, isang medic mula Barangay Pinagsama.

Na-detain ang mga driver ng AUV at truck at sumailalim sa inquest para sa reckless imprudence resulting in homicide at damage to property.

Na-impound na rin ang kanilang mga sasakyan. Ipinagpapatuloy ng pulisya ang imbestigasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here