Home METRO Kelot, nakatakas sa search ops; baril, granada, droga nasamsam sa Sultan Kudarat

Kelot, nakatakas sa search ops; baril, granada, droga nasamsam sa Sultan Kudarat

1
0

SULTAN KUDARAT, Philippines – Nakatakas ang isang 34-anyos na lalaki bago pa marating ng mga pulis ang kanyang bahay sa Barangay Lagandang, Isulan, Sultan Kudarat, nitong Huwebes, kung saan magsasagawa sana ng search operation kaugnay ng hinihinalang pag-iingat nito ng ilegal na droga at mga baril.

Ayon kay Police Regional Office-12 Director Brig. Gen. Alan Manibog, isinagawa ang operasyon dakong alas-3 ng hapon laban sa suspek na kinilalang alyas “Al.”

Gayunman, nakakita ang mga operatiba ng isang .38 revolver, granada, mga bala para sa 9mm pistol at hinihinalang ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P12,000 sa loob ng bahay.

Sinabi ni Manibog na isinagawa ang paghahalughog nang maayos sa presensya ng asawa ng suspek at mga kinakailangang saksi.

Dinala sa Isulan Police Station ang mga nakumpiskang gamit para sa dokumentasyon, imbentaryo at kaukulang pagsusuri at disposisyon.

“We will continue to intensify our intelligence-driven operations and the implementation of search warrants to identify and hold accountable individuals who are keeping illegal firearms, explosives, and prohibited drugs,” ani Manibog. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here