Home METRO Pampang Agri State U, 2 linggong nagsuspinde ng F2F classes sa flu-like...

Pampang Agri State U, 2 linggong nagsuspinde ng F2F classes sa flu-like symptoms

217
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Pampanga Agricultural State University sa Magalang ang face-to-face classes nang halos dalawang linggo matapos mag-ulat ng flu-like symptoms ang malaking bahagi ng mga estudyante at empleyado.

“We do that to prevent the further spread of the disease. Ang ginawa namin ay preventive measure para mabawasan ang takot ng mga tao,” ani Marienold Deniece Fabian-Halog, medical officer ng unibersidad.

Ayon sa survey, 40% ng mga estudyante at 35% ng mga empleyado ang nakaranas ng sintomas mula Oktubre 23 hanggang 24.

Iilang estudyante lamang ang nananatili sa campus, at na-adjust ang mga aktibidad, kabilang ang exams. “Nadelay-delay din po, dapat may mga exams po ite-take. Na-adjust po lahat ng mga pine-prepare na kailangan gawin during last two weeks po,” ayon sa isang estudyante.

Ang mga empleyado ay nagtatrabaho sa skeleton workforce. Magbabalik ang face-to-face classes sa susunod na linggo, ngunit mananatiling mandatory ang pagsusuot ng face mask hanggang huling linggo ng Nobyembre.

Ani DOH spokesperson Albert Domingo, “Nasa kapangyarihan ng bawat institusyon o paaralan ayon sa kanilang batas o charter kung ano ang ipaiiral nilang patakaran para sa kanilang lugar.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here