Home NATIONWIDE 3 air assets ni Zaldy Co, wala na sa Pinas – CAAP

3 air assets ni Zaldy Co, wala na sa Pinas – CAAP

367
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ang tatlong air assets ni dating Ako Bicol party-list Representative na si Zaldy Co ay nakalabas na ng Pilipinas.

 “Dalawang AgustaWestland helicopters ang kasalukuyang nasa Kota Kinabalu, Malaysia, na lumipad roon noong Agosto 20 at Setyembre 11, ayon sa pagkakabanggit. Samantala, ang Gulfstream aircraft ay nasa Singapore simula Agosto 16,” pahayag ng CAAP.

Kamakailan, naglabas ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) ng bagong subpoena kay Co, na hindi pa nakabalik sa bansa dahil sa alegasyon ng kanyang pagkakasangkot sa anomalya sa flood control projects.

Noong Setyembre, nagbitiw siya sa House of Representatives dahil sa banta sa kanyang pamilya at umano’y pagkakait sa due process.

Inirekomenda ng ICI ang posibleng pagsasampa ng graft, malversation, at falsification charges sa Ombudsman kaugnay ng P289.5 milyong road dike project sa Oriental Mindoro. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here