Home NATIONWIDE ICC jurisdiction ruling inapela ng Duterte camp

ICC jurisdiction ruling inapela ng Duterte camp

313
0

MANILA, Philippines – Naghain ng apela ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) upang baligtarin ang desisyong nagpapatunay ng hurisdiksyon ng korte laban sa kanya.

Sa apat na pahinang notice of appeal noong Oktubre 28, hiniling ng kampo ni Duterte sa Appeals Chamber na ihinto ang kaso, ideklarang walang legal na basehan ang paglilitis, at ipag-utos ang agarang pagpapalaya sa kanya.

Ito ay kasunod ng pagtanggi ng Pre-Trial Chamber sa hamon ni Duterte sa hurisdiksyon ng ICC at sa kahilingan nitong ipagpaliban ang desisyon.

Inakusahan ng ICC si Duterte sa 49 na insidente ng pagpatay at pagtatangkang pagpatay noong siya ay alkalde ng Davao City at bilang Pangulo, ngunit ayon sa mga human rights group, maaaring umabot sa 30,000 ang aktwal na biktima.

Kasalukuyan siyang nakakulong sa Hague Penitentiary Institution. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here