Home METRO Lalaking nag-amok ‘bulagta’ sa mga parakMETRONATIONWIDETOP STORIES Lalaking nag-amok ‘bulagta’ sa mga parakOctober 29, 2025 19:082540 FacebookTwitterPinterestWhatsApp BULACAN, Philippines – Bulagta ang lalaking nag-amok nang makipagpalitan ng mga putok mga rumespondeng pulis sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).Sa report ng pulisya, nangyari ang insidente bandang 1:45 ng hapon nitong Oktubre 29 sa Harmony Hills 1, Brgy. Muzon.Kinilala ang sugatang nag-amok na si alyas Kenneth na nakipagpalitan ng mga putok sa mga pulis.Ayon sa report, isang tawag ang natanggap ng istasyon na may lalaking armado ng maikling baril at walang habas na nagpaputok ng baril.Dahil dito, rumesponde ang mga pulis subalit nang makarating sa lugar ay agad silang pinaputukan ng lalaki na kanilang ginantihan kaya bumulagta ito.Nang makarating ang rescue team ay agad isinugod sa Ospital ng Lungsod ang biktima para sa paunang lunas.Sa Facebook video post na nagviral tungkol dito, nakitang bumulagta ang lalaki nang humupa ang palitan ng mga putok.Nabatid sa post na nasawi umano kalaunan ang lalaki at may nasugatan na isang pulis sa naturang engkuwentro.Sinusulat ito pasado alas 3:00 ng hapon, patuloy na bineperipika sa mga awtotidad ang lagay ng magkabilang panig. (Dick Mirasol III)