Manila, Philippines- Muling magpapamalas ng talento sa musika ang mga iconic singers na sina Leah Navarro, Richard Reynoso, at Gino Padilla.
Isang espesyal na gabi ng musika ang magaganap sa November 6, 2025 sa Music Museum. Pinamagatang “OPM: Now & Then,” at special guests dito sina Ms. Leah, Richard at Gino.
Magmimistulang walk down memory lane ang special na pagtatanghal ng tatlo kapag kinanta nila ang ilan sa mga awiting pinasikat tulad ng “Buhay Ng Buhay Ko”, “Lagi Na Lang”, “Kailangan Kita” na nilikha ni George Canseco, “Isang Mundo, Isang Awit”, at marami pang iba, na pawang mga kanta ni Ms. Leah.
Pinasikat naman ni Richard ang “Maaalala Mo Pa Rin”, “Hindi Ko Kaya”, “Paminsan Minsan”, at iba pa.
Si Gino naman ay kilala sa mga kantang “Gusto Kita”, “Closer You and I”, at “Let The Love Begin”.
Featured artists dito sina Mygz Molino, Mia Japson, Jam Leviste, at ang grupong Styra na binubuo nina Calli Fabia, Joanna Lara, Angel Jamila, Ash Lee, at Hazel Valderama.
Kabilang sa guests sina Jeri Violago, Anasity Jardeleza, Cye Soriano, Aleck Calata, Champ Rayan, Yunah Peliño, Jude Silva, Carlos and Dasha Zaballas, at ang G3 na kinabibilangan nina George, Ginz at Gil Froyalde.
Ang mga Daydreamer Entertainment Production artist na talents ni Direk Tonz Are na kabilang sa magbibigay ng kakaibang performances ay sina Prince Rae Dantes, Alfred Natividad, Jerome Francis, Cyper Ernelli Tabares, Cyline Emerlli Tabares, at si Althea De Leon.
Ang OPM: Now & Then na handog ng The Entertainment Arts & Media (TEAM) ay isang fund raising concert para sa mga batang may cancer sa Child Haus na matatagpuan sa No.1448 Agoncillo St.Manila.
Ang sponsors dito ay ang Intele Builders and Development Corporation ni Ms. Cecille Bravo, Atty. Rey Bergado of InnerVoices, JkaS, Padi’s Restaurant & Bar, Go Print Services ni Wilbert Tolentino, Pwersa, Golden Legacy Jobmovers Corporation, Glomar Herbal Philippines Corp, Flashback Retro Bar, Tonz Grill & Sizzling Taps, at 3JT Lights and Sounds & Ledwall Rental.
Nagpapasalamat ang TEAM sa mga supportive friends gaya nina Bulacan Vice Governor Alex Castro, Yuki Sonoda and Zenaida Sonoda, Zara Lopez, Ms. Tess Tolentino ng TTP Productions, Rozz Daniels, Diane de Mesa, at Richard Quan.
Mula sa pamamahala ni Direk Obette Serrano, magsisimula ito sa ganap na 7pm.
Ang tickets ay mabibili sa Music Museum sa halagang: VIP-2K, Orchestra -1K, at Balcony – P700. JP Ignacio