MANILA, Philippines – Nakatakdang maglabas ng subpoena ang Department of Justice (DOJ) laba sa mga indibidwal na sangkot sa limang kasong may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa isang press conference na kasama rito sina dating engineer ng Department of Public Works and Highways na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza.
Sa mga mambabatas o sa mga senador, sinabi ni Fudollon na walang kasama sa iisyuhan ng subpoena sa ngayon.
Maging ang mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya ay hindi rin kasama.
Muli namang iginiit ng Justice Department na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kahit wala ang mga testimonya ng mga Discaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden