Home NATIONWIDE Rider patay, 2 sugatan sa pamamato ng bote sa Pampanga

Rider patay, 2 sugatan sa pamamato ng bote sa Pampanga

321
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang dalawang pasahero nito matapos batuhin ng mga bote habang binabagtas ang isang kalsada sa Floridablanca, Pampanga.

Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo ang mga biktima na edad 15 hanggang 16 taong gulang kung saan sumadsad ang motorsiklo sa kalsada bago tamaan ang isang residential gate.

Hindi umano aksidente ang insidente kundi isang ambush.

Napag-alaman din na nakipag-away pa sa suspek online ang isa sa mga biktima na tinitingnang dahilan sa pagtindi ng sitwasyon.

Makikipagkita sana ang isa sa mga biktima sa suspek sa Barangay Calantas, ngunit nang bigo itong magpakita, naghintay ang suspek at kasabwat nito sa bahay ng biktima.

Nang makita nilang paparating na ang mga biktima sakay ng motorsiklo ay dito na sila nagsimulang mamato ng mga bote.

Para maiwasan ang pamamato ay pinaharurot ng driver ang motorsiklo ngunit nawalan ng kontrol dahilan para ito ay bumangga.

Agad na dinala sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang drayber ng motorsiklo.

Inaresto ng pulisya ang 24-anyos na suspek na isang mekaniko, kasama ang tatlo pang hinihinalang kasabwat nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here