MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos makabarilan ang isang pulis sa hindi pa tukoy na dahilan sa Barangay Muzon South, San Jose del Monte City sa Bulacan nitong Miyerkules, Oktubre 29.
Sa ulat, rumesponde ang mga pulis sa reklamo ng mga residente sa lugar tungkol sa isang lalaking nagpapaputok ng baril.
Sa kabila nito, itinutok ng suspek ang armas nito sa mga awtoridad dahilan para mauwi ito sa isang shootout.
Agad na nabaril ang lalaki at dinala sa ospital, habang ang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology na naroon din sa lugar ay sugatan matapos daplisan ng bala.
Kalaunan ay nasawi sa ospital ang suspek.
Ayon sa pamilya ng biktima, wala umano silang ideya na mayroong baril ang suspek at kung bakit ito nagpapaputok.
Aminado naman ang asawa ng lalaki na kinailangan nilang umalis sa kanilang inuupahan ilang araw na ang nakalilipas dahil wala na silang pambayad ng renta.
Posible naman aniya na depressed ang suspek ayon sa mga residente. RNT/JGC