Nagbigay-seguridad ang PRO 1 sa inspeksyon ng mga flood control project sa Bauang at Tubao, La Union noong Setyembre 16, 2025, kasama sina PBGEN Dindo R. Reyes, ICI Adviser Benjamin Magalong, at DPWH Sec. Vince Dizon.
MANILA, Philippines – May mga gusto pa umanong magsalita kaugnay sa flood control scam, ayon kay National Prosecution Service Prosecutor General Atty. Richard Fadullon.
Aniya, may mga nadagdag sa mga nag-aaply bilang state witness sa isinasagawang imbestigasyon.
Ayon kay Fadullon, kinokonsidera nila at tinitingnan kung saan sila maaaring mag-state witness.
Dagdag pa niya, ang mga bagong aplikante ay mga opisyal din mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Hindi naman binanggit ni Fadullon kung ilan ang nadagdag sa listahan ng mga nag-a-apply bilang state witness. Jocelyn Tabangcura-Domenden