Home NATIONWIDE PBBM biyaheng SoKor na ngayong araw para dumalo sa APEC Summit

PBBM biyaheng SoKor na ngayong araw para dumalo sa APEC Summit

275
0

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG tumulak ngayong araw ng Huwebes, Oktubre 30 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., patu­ngong Busan at Gyeong­ju, Republic of Korea para dumalo sa ika-32nd APEC Economic Leader’s meeting.

Sa katunayan, sa pre-departure meeting sa Malakanyang sinabi ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Angelica Escalona, Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2,2025 ang biyahe ng Pangulo.

Ani Escalon, magiging misyon ni Pangulong Marcos sa pagdalo sa APEC leaders meeting ang isulong ang mga interes sa ekonomiya ng bansa at mas palalimin pa ang ugnayan sa mga bansang miyembro ng APEC.

Bukod pa sa mu­ling pagtibayin ang pa­ngako ng Pilipinas para sa mas bukas, maunlad at masiglang Asia Pacific.

Aniya pa, asahan din na tututukan ng dalawang sesyon ng APEC economic leaders’ meeting ang Leaders’ declaration at konklusyon sa mga usapin may kinalaman sa artificial intelligence, demographing change at cultural creative industries.

Bukod dito, inaasahang tatalakayin ng mga lider ng 21 economy members ang mga pa­ngunahing isyu na kinakaharap ng rehiyon.

Makikipagkita rin si PBBM sa Filipino community sa Busan, kung saan aabot sa 70,000 ang mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa South Korea — karamihan ay nasa sektor ng agrikultura, pangingisda, entertainment, at household service. KRIS JOSE 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here