Home NATIONWIDE NPC building naging bahagi ng buhay ni Isko

NPC building naging bahagi ng buhay ni Isko

276
0

MANILA, Philippines – SINARIWA ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na naging malaking bahagi ng kanyang buhay bilang batang “basurero” ang establisyemento ng National Press Club of the Philippines (NPC) sa Intramuros, Maynila.

Ito ang ibinahagi ni Domagoso nang magsilbi itong panauhing pandangal at Guest Speaker sa ika-73 Anibersaryo ng NPC nitong Oktubre 29, 2025 na may temang “Preserving Legacy @73” na ginanap sa 5th floor NPC Building, Magallanes Drive sa Intramuros.

Ayon kay Domagoso, 10-taong gulang pa lamang siya nang magsimulang magtulak ng kariton at mangolekta ng mga basura na maaari niyang maibenta at pagkakitaan. Sisimulan niya umano ito sa Tondo papuntang Port Area, didiretso patungong Intramuros sa Palacio De Gobernador, at lalakad aptungo sa kanto ng NPC Building at Jones Bridge kung saan may kubo na matatagpuan dito kung saan nakaimbak ang mga panapon na dyaryo.

“Dati may kubo doon sa kanto ng NPC building at Jones bridge. Papasok ako doon dahil madaming dyaryo doon,” ani Domagoso.

“I’m very much familiar in NPC dahil naging bahagi ng buhay ko ito noong ako ay nagbabasurero,” dagdag pa ni Domagoso.

Naibahagi din ni Domagoso na ang kanyang buhay ay may kaugnayan sa NPC dahil nagpapatunay ito na ang nasabing organisasyon ay matagal na at marami nang kinilala sa hanay ng mga media na naging matagumpay.

Tiniyak naman ni Domagoso na hangga’t siya ang alkalde ng lungsod ng Maynila hindi nito pababayaan ang mga miyembro ng mga mamamahayag partikular na ang NPC na mismong matatagpuan sa siyudad na kanyang pinaglilongkuran.

“Rest assured to our media partners, walang gagalaw sa inyo sa Maynila. I will not tolerate abuse to our media practitioner. Rights will be respected and you will be respected as media practitioner in the City of Manila while I am Mayor and while under my watch yun man lang ay mairegalo ko sa inyo bilang organisasyon,” ani Domagoso.

Nagpahayag din si Domagoso na sa abot ng makakaya ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila sa kanyang pamumuno ay magbibigay ito ng suporta sa programa o proyekto ng NPC.

Nagpasalamat naman si Domagoso sa NPC partikular na sa Pangulo nito na si Leonel “Boying” Abasola at kay VP Benny Antiporda gayundin sa lahat ng mga opisyal at miyembro dahil naimbitahan siya bilang panauhing pandangal sa makasaysayang pagdiriwang ng anibersaryo ng pinakamalaki at pinakamatagal na organisasyon ng mga mamamahayag sa bansa. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here