Home METRO Halos 10,000 katao bumisita na sa MNC

Halos 10,000 katao bumisita na sa MNC

216
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa halos 10 libo ang mga pumapasok sa Manila North Cemetery (MNC) sa maghapon ngayong Oktubre 30, isang araw bago ang Undas.

Ayon sa ilang mga nagtutungo sa sementeryo, habang maluwag pa ay inagahan na ang punta sa sementeryo upang hindi na masabay sa siksikan ng mga tao.

Mapapansin naman na may mga help desk at mga tent nang nakalatag sa labas at loob ng sementeryo para tumugon sa mga mangangailangan ng tulong.

Muli namang nagpaalala ang pamunuan ng sementeryo na si MNC Director Dandan Tan sa publiko na hanggat maari ay huwag nang magdala pa ng mga indibidwal na vulnerable upang hindi na mahirapan pa sa dami ng mga bumibisita.

Aniya, ngayong araw lamang ay umabot na sa 9,900 ang bumisita sa MNC.

PInayuhan din ang mga magulang o guardian na bantayan, hawakang maigi ang mga kasamang bata at iparehistro sa para sa tagging para sa pagkakilanlan sakaling nawalay ito sa kasamahan.

Inaasahang aabot sa mahigit isang milyon ang dadagsa sa MNC cemetery ngayong Undas 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here