Home ENTERTAINMENT Marya, sumailalim sa ‘discoplasty’ sa Singapore!

Marya, sumailalim sa ‘discoplasty’ sa Singapore!

277
0

Singapore – Matagumpay na nairaos ni Maricel Soriano ang pinagdaanang medical procedure kamakailan na ginawa pa sa Singapore.

“Discoplasty” ang tawag sa naturang procedure.

Ito’y gamutan sa spine disk without physically cutting it or replacing it.

Sumailalim nito ang Diamond Star to address her spinal arthritis.

Sa nasabing proseso, binabawasan nito ang pressure within the disc para hindi magresulta sa panghihina, pagkamanhid o pagkaparalisa ng mga nerves sa spine.

Sa kaso ng aktres, sinimulan muna ito sa kanyang likod: “Ang galing nila, walang operasyon!”

Meron daw siyang walong holes o butas sa likod at robotics na ang siyang gumana.

Instantly, Maricel felt relieved:

“Pagtayo ko, wala na! Magaling na ako!”

Matatandaang last April, nasuring nagkaroon siya ng arthritis sa spine na umabot hanggang leeg.

Dahil dito’y apektado ang kanyang mobility kung kaya’t kinailangan niyang iniksyunan.

Sinundan ito ng pagpapasaksak niya ng steroids sa mismong spine nang hindi mawala-wala ang kirot.

Matagal daw bago umepekto ito–dahilan para ika-ika siyang lumakad.

Bukod sa spinal arthritis, meron ding pinch nerve si Maricel kung saan nakakaramdam siya na parang tinutusok ng karayom ang kanyang mga paa.

Kaya payo ng aktres, “Listen to your body!”

Timing naman ang paggaling niya dahil ang role niya sa sisimulang Star Cinema film will require agility in physical movements. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here