MANILA, Philippines – Nagsimula ng tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa o tinaguriang flower market sa Maynila.
Ilan lamang sa dahilan ng mga flower vendor sa Dangwa ang mataas na hango nila ng bulaklak kaya naman wala silang choice kundi taasan din ang presyo sa publiko.
Sinabi ng tindera na si Aling Jovy na kung ang dating nabibili sa halagang 35 o tatlo isang daan na bulaklak ay sumirit na sa 50-200 pesos ang itinaas.
Depende pa ito sa klase o laki ng bulaklak.
Tulad ng carnation na 230 pesos ang 10 stems.
Ang malaysian mums 450-600 pesos na ang 12 pcs
80 pesos naman ang peruvian lily para sa 12 stems.
Mas makaka-menus nama kapag maramihan ang bibilhin dahil binibigyan ng discount ang mga mamimili.
Ang dati namang 50 pesos lamang na nakalagay sa isang styro pot ay domoble na ang presyo (P100) habang P300-1000 pesos naman ang nasa basket.
Habang papalapit ang Undas hanggang Nobyembre 2, asahan na lalo pang tataas ang presyo ng bulaklak sa Dangwa.
Samantala , bumibigat na rin ang daloy ng trapiko sa Dangwa dahil abala na ang mga mamimili ng bulaklak at maging ang mga kargador sa pagbaba ng kanilang mga tinda at suplay. Jocelyn Tabangcura-Domenden