Home NATIONWIDE ITCZ, Amihan magpapaulan sa bansa; LPA sa labas ng PAR posibleng maging...

ITCZ, Amihan magpapaulan sa bansa; LPA sa labas ng PAR posibleng maging bagyo

329
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Biyernes ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Northeast Monsoon, ayon sa PAGASA.

Sa ulat na inilabas alas-4 ng umaga, sinabi ng PAGASA na magdudulot ang ITCZ ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Davao Region, at Lanao del Norte.

Makakaranas din ng katulad na kondisyon ang Cagayan, Isabela, at Aurora. Pinag-iingat ang publiko sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.

Samantala, magdudulot naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Northeast Monsoon sa Hilagang Luzon, habang posible ring magkaroon ng mga panandaliang ulan at pagkulog sa iba pang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ayon pa sa PAGASA, “as of 2:00 a.m. today, 31 October 2025, a Low Pressure Area (LPA 10i) is being monitored outside the Philippine Area of Responsibility (PAR) and has a medium chance to develop into a tropical depression within the next 24 hours.” Huling namataan ang LPA sa layong 1,710 kilometro silangan ng Southeastern Mindanao.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-monitor ng mga abiso mula sa PAGASA. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here