Home HOME BANNER STORY Undas Exodus, nagsimula na!

Undas Exodus, nagsimula na!

243
0
Remate File Photo

MANILA, Philippines – Dagsa na ang mga biyahero sa mga paliparan, pantalan, terminal ng bus, at mga expressway pauwi sa kani-kanilang probinsya para sa Undas 2025 long weekend.

Nagsisimula ang mahabang bakasyon ngayong Biyernes, Oktubre 31, na idineklarang special non-working day at inaasahang pinakamataas na araw ng pag-alis mula sa Metro Manila.

Sa NAIA, pinaigting ang seguridad habang inaasahan ang nasa 1.35 milyong pasahero mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5, o humigit-kumulang 135,000 kada araw.

Hinimok ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) ang mga biyahero na dumating nang maaga—tatlong oras para sa international at dalawang oras para sa domestic flights.

Inilunsad din ang “Oplan Undas 2025” para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga pasahero.

Sa mga pantalan, tinatayang 2.2 milyong pasahero ang babyahe, mas mataas kaysa sa 1.9 milyon noong nakaraang taon.

“Ang inaasahan po natin Thursday at Friday ‘yung pinaka-peak ng mga pasahero… So pagdating po nyan after work, dire-diretso ma po sa pantalan,” ayon kay Philippine Ports Authority spokesperson Eunice Samonte.

Nagkakaroon na rin ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga expressway palabas ng Kamaynilaan.

Nakaantabay na ang mga tauhan at quick response teams ng NLEX at SMC Tollways.

“[L]ahat po ng personnel o tao ng SMC Tollways, naka-deploy na po…nakahanda na rin ang mga equipment namin,” ayon kay Skyway O&M traffic head Leopoldo Vitug Jr.

Sinuspinde ng MMDA ang number coding sa Biyernes upang mapagaan ang biyahe, habang ilang lungsod ay magsasagawa ng road reblocking sa panahon ng Undas. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here