Home NATIONWIDE Higit 10,000 katao, nauna nang dumalaw sa Manila North Cemetery

Higit 10,000 katao, nauna nang dumalaw sa Manila North Cemetery

269
0

MANILA, Philippines – Mahigit 10,000 katao ang dumalaw sa Manila North Cemetery nitong Huwebes, Oktubre 30, bago pa man dumagsa ang mga bisita sa Undas ngayong weekend.

“Para di rin magsabay-sabay ang ano, para humaba ng kaunti yung oras nila,” paliwanag ni cemetery administrator Daniel Tan, kaya mas pinili ng ilan na maagang bumisita.

Bagama’t mas kakaunti pa ang tao, may ilang naligaw sa paghahanap ng puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. “Nakakalito din. Yung mga palatandaan namin hindi namin alam kung saan na,” ayon kay Yolanda Mingote, na kalaunan ay natuklasang natakpan ng bubong ng tagapag-alaga ang puntod ng kanyang kamag-anak. “Okay lang po. Nagpapasalamat nga po kami dahil nandiyan sila, nagbabantay,” dagdag niya.

Aabot sa mahigit dalawang milyong bisita ang inaasahan ng pamunuan ng sementeryo ngayong Undas. Kabilang sa mga nakumpiskang ipinagbabawal na gamit ang sigarilyo, pintura, at pamputol. Pinayuhan din ng pulisya ang publiko na bantayan ang kanilang gamit at huwag magdala ng malaking halaga ng pera.

Naka–heightened alert ang Philippine National Police at magpapakalat ng mahigit 50,000 tauhan sa buong bansa. “Titignan din po natin kung kailangan magdagdag ng additional na kapulisan dito,” ayon kay NCRPO chief Police Maj. Gen. Anthony Aberin.

Personal namang ininspeksyon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang sementeryo at nagbabala sa mga masasamang-loob: “Kayong mga tulisan, huwag niyo na balakin… baka mamaya magkaroon ng untoward incident, eh di susunod na Nov. 1 kayo naman dadalawin ng pamilya ninyo.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here