Home OPINION BITAY IBALIK NA VS MGA KORAP

BITAY IBALIK NA VS MGA KORAP

347
0

TAMA lang ang kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na tapyasan ng kalahati ang lahat ng imprastraktura na ginagawa o gagawin ng lahat ng departamento at ahensya ng gobyerno.

Aniya, dapat nang tularan ang pinasimulan ng Department of Public Works and Highways na lahat ng proyekto nito ay kalahati na lamang ang halaga.

Kasama sa mga inutusan ng Pangulo ang Department of Education, Department of Agriculture, Department of the Interior and Local Government, Department of Health, Department of Transportation, National Irrigation Administration at iba pang ahensya.

Siyempre pa, matik na ring sakop ng kautusan ang silid-aralan ng DepEd, farm-to-market road ng DA, ospital ng DOH, municipal hall o barangay hall ng DILG, kalsada, tulay at pier ng DOTr, irrigasyon at dam ng NIA at iba pa.

Sa pagtapyas sa halaga ng paggawa, tagubilin din ni Marcos na hindi dapat maapektuhan ang kalidad.

Nauna rito, ipinag-utos din ni Marcos ang 50% tapyas sa lahat ng presyo ng materyales mula sa bakal at semento hanggang sa buhangin, graba, aspalto at iba pang gamit sa construction.

MATAGAL NANG PROBLEMA

Sa totoo lang, matagal nang problema ang overpricing sa presyo ng mga materyales at halaga ng mga proyekto.

‘Yung istayl sa bidding o pasubasta na nananalo ang highest bidder ay walang silbi sapagkat ino-overprice muna ang lahat bago pa ganapin ito.

Sa overprice, naririyan na ang 25-30% kikbak ng mga mambabatas, 10% ng mga miyembro ng bids and awards committee, 5% sa kanang kamay nina kongresman at senador, 5-10% sa iba gaya ng mga nasa itaas at iba pa.

Ang natitira, diyan pa ikakaltas ang buwis, kita ng kontraktor at iba pang gastusin.

Resulta? Ghost o substandard ang project.

Ang lugi at nadadaya? Mga mamamayan na pinupwersa ng gobyerno na magbayad ng mga direkta at hindi direktang buwis para sa mga proyekto.

Pero hindi lang basta lugi, ha!

Kapag ghost o guni-guni lang ang proyekto, wala talagang mapakinabangan ng mga mamamayan.

Kung substandard, doble gastos ang mga mamamayan sa buwis dahil ire-repair ang mga proyekto gamit ang buwis na muling kinokolekta para rito.

NOON PA DAPAT

Ayon sa mga nabuking na DPWH engineers at opisyal, matagal na ang kalakarang pandurugas sa mga imprastraktura.

Noong panahon ni ex-President Aquino, nasa 10% lang ang kikbak ng mga mambabatas at tumaas ito sa sa 15% noong panahon ni ex-Pres. Digong Duterte.

Ngunit sa panahon ngayon ni Marcos, anak ng tokwa, naging garapalan na ang napakalalaking kikbak.

At hindi na nakuntento ang mga hinayupak dahil hinaluan na ang mga proyekto ng ghost project na roon sinasakmal na nang buong-buo ang kabuuang mga halaga ng proyekto.

IBALIK ANG BITAY

Sana naman, ibalik na ang parusang bitay para matigil nang ganap ang ganitong kaaliwaswasan sa pamahalaan.

At kapag ibalik ito, ibaba na rin ang halaga ng nakaw na yaman at hindi manatili sa P50 milyon pataas para mawalan ang mga korap ng panggastos sa labanan sa korte.

At dapat mabilis ang paglilitis at paglason, pagbitay at pag-firing squad sa mga guilty para hindi sila pagkagastusan ng mga mamamayan sa bilangguan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here