Home HOME BANNER STORY Halos 60K pasahero dumagsa sa PITX ngayong umaga

Halos 60K pasahero dumagsa sa PITX ngayong umaga

343
0

MANILA, Philippines – Mahigit 59,000 pasahero ang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong umaga ng Biyernes, Oktubre 31 o isang araw bago ang All Saint’s Day.

Hanggang nitong alas-8 ng umaga, sinabi ni PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa na nakapagtala ang terminal ng 59,243 pasahero kabilang ang mga dumating at umaalis mula Metro Manila.

Ayon kay Calbasa, sapat ang mga biyahe para matugunan ang lahat ng pasahero ngayong Undas exodus.

“If there are ever challenges in supply, we have the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) on site to issue special permits for additional buses,” sinabi pa niya.

Mula Oktubre 27 hanggang 30, nakapagtala ang PITX ng kabuuang 749,233 pasahero, 188,624 pasahero noong Oktubre 27; 181,090 noong Oktubre 28; 185,051 noong Oktubre 29; at 194,468 noong Oktubre 30.

Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa karaniwang 160,000 pasahero.

Ani Calbasa, karamihan sa mga biyahe ngayong Undas ay patungong Bicol Region, Laguna-Batangas-Quezon, mga probinsya sa Northern Luzon, Occidental at Oriental Mindoro, at Visayas-Mindanao regions.

Nasa 2.1 milyong pasahero ang inaasahang dadaan sa PITX mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 3, ayon kay Calbasa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here