Home NATIONWIDE ALAMIN: Mga saradong bangko ngayong Oktubre 31, Nobyembre 1, 2025

ALAMIN: Mga saradong bangko ngayong Oktubre 31, Nobyembre 1, 2025

349
0

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang karamihan sa mga bangko na sarado ang kanilang mga branch ngayong Biyernes, Oktubre 31, at Nobyembre 1 bilang paggunita sa Undas.

BPI

Sa abiso ng Bank of the Philippine Islands (BPI), sinabi nito na “all branches will be closed on October 31, 2025, a special non-working holiday.”

“Branches with a Saturday banking schedule will also be closed on November 1, 2025 in observance of All Saints’ Day,” ayon pa sa BPI.

Samantala, sinabi naman ng BDO Unibank na bukas ang lahat ng mga branch nito hanggang alas-3 ng hapon ng Oktubre 31 at sarado ang lahat ng mga branch ng bangko sa Nobyembre 1, 2025.

Security Bank

“All our branches nationwide will be closed on October 31, 2025 and November 1, 2025 in observance of All Saints’ Day,” sinabi ng Security Bank.

Chinabank

China Banking Corp. (Chinabank) bukas naman ang piling mga branch ng nasabing bangko ngayong Biyernes ngunit sarado ang lahat ng mga branch nito sa Nobyembre 1.

Landbank

Sarado rin ang lahat ng mga branch ng Land Bank of the Philippines ngayong araw, maging ang Development Bank of the Philippines. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here