Home METRO DOH nag-deploy ng mga doktor, medical team sa mga expressway para sa...

DOH nag-deploy ng mga doktor, medical team sa mga expressway para sa Undas 2025

342
0

MANILA, Philippines – Nag-deploy ang Department of Health (DOH) ng mga emergency medical support sa mga pangunahing expressway ngayong Undas 2025.

Sa unang araw ng Undas, nagsagawa ng site inspections si DOH Secretary Teodoro Herbosa sa mga emergency team na nakatalaga sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX).

Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng DOH na nakahanda ang mga doktor at emergency responders na magsagawa ng first aid, minor surgery, konsultasyon, at diagnostic sa mga emergency tents.

Samantala, sinabi rin ng DOH na naglagay na ng mga first aid station sa mga sementeryo para sa agarang pagtugon sa mga medical emergencies ng mga bisita.

Inilagay ng ahensya ang kanilang sentral na tanggapan sa Centers for Health Development sa Code White para sa tagal ng Undas 2025. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here