Home NATIONWIDE DA hihiling kay Marcos sa pagpapalawig ng import ban ‘gang katapusan ng...

DA hihiling kay Marcos sa pagpapalawig ng import ban ‘gang katapusan ng 2025

292
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Department of Agriculture kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig sa temporary ban sa pag-aangkat ng bigas hanggang sa katapusan ng 2025.

Ang 60-day import ban na ipinatupad noong Setyembre ay napaso na nitong Biyernes, Oktubre 31.

Ipinataw ang import restriction dahil sa bumababang presyo ng palay na nakakaapekto sa lokal na magsasaka.

Anang DA, ang import ban ay nagpataas sa presyo ngunit hindi pa rin nakakabawi ang mga magsasaka.

Dahil dito, humihiling si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng extension sa import ban ng karagdagang 30 hanggang 60 araw.

Ipinaliwanag ni Tiu Laurel na ang extension ay magbibigay-daan sa mas malalim na evaluation ng epekto ng polisiya sa farmgate and retail markets; patuloy na proteksyon sa lokal na magsasaka mula sa downward price pressures dahil sa mas murang imports; mapanatili ang market stability at consumer welfare; at bigyang daan ang policymakers na makapagsama ng mas marami pang indicator katulad ng warehouse inventories at trade flows para sa mas komprehensibong assessment.

Ani Tiu Laurel, ang presyo ng palay sa mga probinsya tulad ng Isabela at Nueva Ecija ay umakyat ng hanggang P13 to P14 kada kilo mula sa pinakamababang P8 sa ilang lugar bago ang import freeze.

Sa report mula sa Regional Rice Program ng DA ay nakitang ang presyo ay nag-peak sa P16.50 kada kilo mula Setyembre 8 hanggang 12 bago humupa sa P13.50 ng Setyembre 15 hanggang 19. Ang cost of production ay sa pagitan ng P12 at P14 kada kilo.

“This demonstrates that while upward adjustments have been observed, farmgate prices remain volatile, and the harvest is still underway across much of the country,” ani Tiu Laurel.

Idinagdag pa niya na ang pagpapalawig ng import ban ay “necessary measure to provide sustained support to local producers, maintain market stability, and ensure a more comprehensive assessment of the policy’s effects.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here