Home METRO Corrections officer huli sa pagbebenta ng tobats sa loob ng New Bilibid...

Corrections officer huli sa pagbebenta ng tobats sa loob ng New Bilibid Prison Reservation

343
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang corrections officer sa buy-bust operation sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) Reservation sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City, noong Linggo ng hapon, Nobyembre 2.

Sa spot report mula sa Muntinlupa City Police Station, isinagawa ang operasyon dakong alas-2:25 ng hapon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Collaborative Group (IACG) at Directorate for Intelligence and Investigation ng Bureau of Corrections.

Sinabi ng pulisya na ang suspek, na kinilala bilang isang 27-anyos na corrections officer, ay nahuling nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang undercover na operatiba.

Nakuha mula sa suspek ang apat na sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 19.4 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na P131,920.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang P500 na marked bill na ginamit sa buy-bust, isang dark blue na motorsiklo, isang Glock 17 pistol na may magazine at limang live na bala, at isang black pistol holster.

Dinala sa tanggapan ng SDEU ang suspek, na iniulat na bagong kinilala bilang high-value individual (HVI), para sa dokumentasyon at imbestigasyon bago ang pagsasampa ng kaukulang kaso para sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here