Home NATIONWIDE Presyo ng materyales sa gov’t infra projects ibabatay na sa market price...

Presyo ng materyales sa gov’t infra projects ibabatay na sa market price – DPWH

387
0

MANILA, Philippines – Ibabatay na sa market price ang mga presyo ng materyales para sa mga proyekto ng gobyerno, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni Highways secretary Vince Dizon, dapat sundin ng lahat ng district offices ang umiiral na presyo sa merkado ng mga bibilhing materyales base na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr na tiyakin ang de-kalidad na mga proyekto na hindi gumagastos ng todo.

Batay sa pag-aaral ng DPWH, overpriced ang gastos ng materyales ng average na 50%.

Inihalimbawa ni Dizon ang gastos sa aspalto na mahigit P23,000 kada metric tons sa Region 4B pero lagpas lamang ng P5,900 ang presyo sa merkado na overpriced ng halos 75%.

Ayon pa sa DPWH, P60 bilyon ang matitipid ng gobyerno kung walang overpricing sa materyales.

Katumbas ito ng karagdagang 1,600 kilometro ng sementadong kalye at isang libong kilometro ng aspaltadong lansangan.

Binigyang diin ni Dizon na maiiwasan na ang pangungurakot kung hindi overpriced ang presyo ng materyales na gamit ng DPWH. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here